Land lease agreement ng Russian Embassy at Ukraine, winakasan na

Land lease agreement ng Russian Embassy at Ukraine, winakasan na

INALIS na ng Ukraine ang land lease agreement nito sa Russian Embassy.

Ito ang kinumpirma ni Kyiv Mayor Vitali Klitschko.

Ang hakbang ay kasunod sa pagkasira ng relasyon ng Ukraine at Russia dahil sa nangyayaring sigalot na nagsimula noong February 2022.

Wala na rin aniyang Russian diplomat sa embassy building.

Sa ngayon, ibabalik na ang naturang property sa Ukrainian state.

Nagbabala naman ang Russia na kung kukunin ng Ukraine ang embassy building, awtomatikong mawawalan ang Kyiv ng ownership rights sa diplomatikong misyon nito sa Russia.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter