LAPD sa Amerika, humaharap sa kakulangan ng mga opisyal

LAPD sa Amerika, humaharap sa kakulangan ng mga opisyal

HUMAHARAP ngayon ng kakulangan sa mga kapulisan at opisyal ang isa sa pinakamalaking departamento ng pulis sa Amerika na Los Angeles Police Department (LAPD) dahil na rin sa epekto ng pandemya at karahasan.

Nagtala ang LAPD ng kakulangan sa mga pulis at opisyal na resulta ng mababang bilang ng bagong recruit dahil sa pandemya.

Sinabi ni LAPD Chief Michel Moore na ang departamento ay nawalan ng higit sa 600 tauhan dahil sa pagreretiro at hindi pa nakakakuha ng mga bagong recruit sa akademya na papalit sa kanila.

Ipinaliwanag ni Moore na numero unong dahilan ang COVID-19, gayundin ang emosyonal na pinsalang dulot ng kaguluhan sa sibiko, kaliwa’t kanang karahasan at ang napakaraming opinyong kontra-pulis sa mga nakaraang taon.

Idinagdag pa niya na ang mga kakulangan ay nagdulot ng paghaba ng oras sa pagtugon sa mga emerhensiya at ang mga espesyal na yunit, tulad ng fugitive warrant at cold cases, na mas bumaba ngayon at maari pang hindi masolusyunan agad.

Sinabi rin niya na ang departamento ng custody at iba pang mga sibilyan na propesyonal na klase ay nagdurusa dahil sa patuloy na kakulangan ng mga tauhan.

Ang LAPD ay gumagawa ng recruitment sa akademya ng pulisya buwan-buwan, ngunit ang bilang ng mga natatanggap dito ay kalahati lamang sa kanilang inaasahan.

Follow SMNI NEWS in Twitter