Last round ng “piso sale” ng AirAsia PH para ngayong taon, inilabas na

Last round ng “piso sale” ng AirAsia PH para ngayong taon, inilabas na

INAALOK na ng AirAsia Philippines ang last round ng kanilang “piso sale” program para sa taong 2023.

Nagsimula ito noong Oktubre 16 at magtatapos sa Oktubre 25, 2023.

Ang piso sale ay para sa mga biyahe na nakaplanong gawin ng isang biyahero simula Marso 4, 2024 hanggang Marso 19, 2025.

Ang local destinations naman na available sa piso sale mula Maynila ay patungong Caticlan, Iloilo, Davao, Cebu, at Puerto Princesa.

May available destination din mula Cebu papuntang Clark, Pampanga.

Samantala, patungong Seoul, South Korea; Tokyo, Japan; at Bangkok, Thailand ang available international destinations.

 

 

Follow SMNI NEWS on Twitter