Late na call time sa mga estudyante, ipinatutupad na sa Dubai

Late na call time sa mga estudyante, ipinatutupad na sa Dubai

ILANG paaralan sa Dubai ang pinili na huwag magsimula nang maaga sa mga paaralan upang makakuha ng mas sapat na tulog ang mga estudyante nito.

Ang mga estudyante sa United Arab Emirates (UAE) ay karaniwang dumadating sa mga paaralan bandang 7am-7:30am.

Ito ay nangangahulugan na dapat gumising ng 5am-6am ang mga estudyante depende sa travel time nito.

Dahil dito, isinulong ng ilang mga head teacher na huwag magsimula nang maaga sa mga paaralan dahil mas nagiging aktibo ang mga bata kung may sapat itong tulog.

Ang Bloom World Academy ang kauna-unahang paaralan na nag-operate mula 9am-4pm.

Ito ay sinundan naman ng Dubai British School Jumeirah Park kung saan ginawang 8:15am na ang call time ng mga estudyante.

Lumabas sa pag-aaral ng US Center for Disease Control and Prevention na ang kakulangan sa pagtulog ng mga high school student ay nauugnay sa ilang sakit gaya ng obesity at mahinang academic performance.

Follow SMNI NEWS in Twitter