PATULOY pa ring naniniwala si Los Angeles Lakers power forward LeBron James na makasasali pa rin ang kanilang koponan sa Western Conference Finals Series.
Ito ay matapos matalo ng Denver Nuggets ang Lakers na naging dahilan sa pagkakaroon ng Lakers ng 3-0 lose-win streak sa best-of-seven Western Conference Finals Series.
Sa kabila ng pagkatalo, naniniwala pa rin si LeBron na makababawi ang kanilang koponan sa mga susunod na Game Four kontra Nuggets sa May 23, 2023.
Matatandaang sa kasaysayan ng NBA, wala pang team na nakabalik mula sa 3-0 deficit sa playoffs.