Legal mechanisms kontra terorismo, pinalakas ng AFP at AMLC

Legal mechanisms kontra terorismo, pinalakas ng AFP at AMLC

PATULOY ang pagtutulungan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang malabanan ang terorismo sa bansa.

Ito ang inihayag ni AFP Western Mindanao Command (WESTMINCOM) Commander Lieutenant Gen. Roy Galido kasunod ng pagbisita ni AMLC Deputy Director Atty. Joeshias Tambago sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City.

Ayon kay Galido, pinalakas pa ng AFP at AMLC ang legal na mekanismo laban sa terorismo.

Gagawin aniya ito sa pamamagitan ng pagpapabilis sa pag-uusig sa mga kasong isinampa laban sa mga lokal na terorista sa Sulu.

Pinasalamatan din ni Galido ang AMLC sa suporta sa militar at sa pagkakataon na makabisita sa kanilang kampo.

Tiniyak ni Galido ang pagtulong nila sa AMLC sa mga aktibidad nito sa lugar ng operasyon ng WESTMINCOM.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter