NAGTAMO ng tama sa kanang dibdib ang Ex-drug lord at Leyte Mayoral Candidate Kerwin Espinosa habang nangangampanya ito sa Barangay Tinag-an, Albuerta, Leyte.
Naganap ito kaninang alas kwatro trenta ng hapon ng Huwebes, April 10, 2025.
Bukod kay Kerwin, tinamaan rin umano ng bala ang isang menor de edad na si Aira Matinelle Colasito, residente ng Brgy. Tangas Albuera, Leyte.
Kasama naman sa nagpapagaling sa pagamutan ang asawa ni Kerwin na si Mariel Espinosa Marinay a.k.a “RR” na tumatakbong Vice Mayor sa nasabing bayan.
Tinutugis na ang salarin sa pamamaril.