ISINUSULONG ngayon ni Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ang pagkakaroon ng libreng agricultural education para sa mga anak ng mga kwalipikadong indigent na magsasaka.
Sa ilalim ng House Bill No. 7572, isinusulong nito na nagbibigay ng libreng edukasyong pang-agrikultura, at iba pang kaugnay na mga kurso ang pamahalaan sa lahat ng mga anak ng mga kwalipikadong mahihirap na magsasaka.
Co-authors sa nasabing panukala sina Benguet Lone District Rep. Eric Yap at ACT-CIS Party-list Rep. Edvic Yap, sa pakikipagtulungan sa Commission on Higher Education (CHED) sa pagtatag ng nasabing programang pang-iskolar para sa tersiyaryong edukasyong pang-agrikultura.
Ang nasabing panukalang batas ay makatutulong sa patuloy na pagsisikap ng gobyerno na pataasin ang produksiyon ng agrikultura at tulong sa maliliit na magsasaka.