Libreng derma care, handog ng Las Piñas LGU sa mga residente nito

Libreng derma care, handog ng Las Piñas LGU sa mga residente nito

ISANG libreng derma care ang handog ng LGU ng Las Piñas para sa mga residente nito sa ilalim ng pakikpagtulungan sa The Aivee Group.

Kaugnay rito, hinimok nina Las Piñas City Mayor Mel at Vice Mayor April Aguilar ang mga residente nito na magtungo sa Barangay Talon uno para sa nasabing programa.

Ilan sa mga serbisyong maaaring makuha ng mga benepisyaryo ang warts removal, derma care, minor cyst surgery, at iba pa.

Para sa mga residente, huwag kalimutan ang petsang Pebrero a-21 para de kalidad na dermatological services ng nasabing grupo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter