Libreng sakay sa Pasig River Ferry, mananatili sa 2023 –MMDA

Libreng sakay sa Pasig River Ferry, mananatili sa 2023 –MMDA

MANANATILI hanggang 2023 ang libreng sakay ng Pasig River Ferry Service para sa mga biyahero ayon sa Metro Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, may sapat na pondo para sa nabanggit na libreng serbisyo.

Aniya, aprubado na rin ng Kongreso ang P76.96 milyon na pondo para dito.

Batay sa tala, nasa 33,674 pasahero noong 2020; 58,784 noong 2021; at tumaas sa 149,167 ang kabuuang bilang ng pasahero ng Pasig River Ferry mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.

Follow SMNI NEWS in Twitter