Libreng Wi-Fi sa NAIA at Christmas Tree lighting sa Terminal-3, inilunsad ng Converge

Libreng Wi-Fi sa NAIA at Christmas Tree lighting sa Terminal-3, inilunsad ng Converge

PINANGUNAHAN ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Jaime Bautista, Pasay City Mayor Imelda “Emi” Gallardo Calixto-Rubiano, Manila International Airport Authority (MIAA) OIC Bryan Co at ni Converge CEO Dennis Anthony Uy ang pagpapasinaya ng libreng Wi-Fi sa NAIA Terminal-3 araw ng Martes.

Kasunod nito pinailawan din ang 30-foot Christmas Tree sa paliparan.

Matatandaan, una nang nailagay ang libreng Wi-Fi ng Converge sa NAIA Terminal-4.

Ayon kay Sec. Bautista bukod sa Terminal-3 isusunod naman na lagyan ng free Wi-Fi sa NAIA Terminal 1 at 2.

Ikinatuwa naman ng MIAA ang partnership nito sa Converge, bukod dito ay may iba pang internet provider ang NAIA terminals na maaaring magamit ng mga pasahero habang naghihintay ng kanilang flight o sundo.

Maaaring maka-avail ang sinumang indibidwal ng dalawang oras na paggamit ng internet at ang lakas nito ay magdedepende sa klase ng cellphone.

Follow SMNI NEWS on Twitter