PANGALANAN na ang dating high-ranking government official na sangkot sa pagpapabilis ng release ng mga lisensya para sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ito ang panghihikayat ng mga mambabatas sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) matapos inihayag ng nabanggit na korporasyon ang pahapyaw na impormasyon.
Dahil din dito ay sinabi ni Sen. Joel Villanueva na nararapat lang talaga na ipagbawal na sa Pilipinas ang POGO.
Infiltrated na aniya ang business at gaming industries maging ang pamahalaan dahil nagsisilbing protektor na nito ang mga opisyal.