Lider ng Brunei, inimbitahan ni VP Sara na bisitahin ang Pilipinas

Lider ng Brunei, inimbitahan ni VP Sara na bisitahin ang Pilipinas

INIMBITAHAN ni Vice President Sara Duterte si His Royal Highness Crown Prince Haji Al-Muhtadee Billah na bumisita sa Pilipinas.

Lalo na sa Davao City at nang matikman ang mga ipinagmamalaking produkto gaya ng durian.

Sa Facebook post, ibinahagi ni VP Sara sa kaniyang courtesy visit kay His Royal Highness Haji Al-Muhtadee Billah ang kanilang pag-uusap ukol sa sports, at mga kontribusyon ng mga Pilipino sa bansang Brunei.

Samantala, nagpasalamat si VP Sara sa Brunei sa pagbibigay nito ng pangalawang tahanan sa mga Pilipino sa bansang sultanate.

Sa 3-day visit ng VP Sara, binisita niya ang pampubliko at pribadong mga paaralan sa Brunei na may mga Pilipinong mag-aaral at sinaksihan ang MOU ng Southeast Asian Ministers of Education Organization VocTech at Universiti Brunei Darussalam, at Philippine Normal University (PNU).

Maliban dito, nakipag-isa naman ito sa Filipino community sa ika-125 anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter