MAS ramdam ng ilang commuters ang ligtas na pagbibiyahe sa gabi at madaling araw dahil sa 24/7 na libreng sakay sa EDSA Busway.
Bukod pa raw ito sa pamasaheng kanilang natitipid kada araw.
Mahalaga sa ating mga kababayan ang ligtas na pagbiyahe tuwing gabi at madaling araw.
Kaya anila malaking tulong ang 24/7 na libreng sakay upang ligtas na makapasok sa trabaho at makauwi sa kanilang mga tahanan.
Bukod sa higit P500 na natitipid dahil sa 24/7 na libreng sakay sa EDSA Busway, mas ligtas daw ang pakiramdam ni Johaira, isang call center agent, na bumiyahe ng madaling araw papasok sa kaniyang trabaho.
Para naman kay Erjane na nagtatrabaho din sa call center, mas madali aniyang dumating sa kaniyang trabaho sa pamamagitan ng EDSA Busway.
Kaya aniya malaking tulong ang 24/7 na libreng sakay para sa kanila na mga nagtatarabaho sa graveyard shift.