SISIMULAN na ngayong araw ang isang buwan na pagpatutupad ng magdamagang libreng sakay sa EDSA Busway.
Matatandaang inanunsyo ng Department of Transportation (DOTr) na magiging epektibo na ang 24/7 na libreng sakay sa EDSA Busway sa Disyembre 1, 2022 o ngayong araw.
Magtatagal naman ito hanggang sa Disyembre 31, 2022.
Layon ng ‘Libreng Sakay’ na matulungan ang mga commuters ngayong Christmas rush.
Mababatid na sa unang anunsyo ng DOTr, ipatutupad lamang sana ito simula Disyembre 15 – 31, 2022.