MAGPI-perform bilang soloist sa 97th Academy Awards o OSCARS ang Blackpink member na si Lisa.
Gaganapin ito ngayong March 2 sa Dolby Theatre sa California, USA.
Makakasama nya rito ang American Rapper na si Doja Cat at ang British Singer-Songwriter na si Raye.
Kung matatandaan, nagkasama na ang tatlo sa kantang ‘born again’ ni Lisa na ini-release noong February 7, 2025.
Si Lisa pa lang ang kauna-unahang K-Pop idol na magkakaroon ng performance sa naturang prestihiyosong film ceremony.