Lisa ng Blackpink, may live performance sa 2024 VMAs

Lisa ng Blackpink, may live performance sa 2024 VMAs

NGAYONG Setyembre 11 ay magkakaroon ng live performance sa MTV Video Music Awards ang main dancer ng Blackpink na si Lisa.

At ang catch, si Lisa pa lang ang kauna-unahang K-pop soloist na magpi-perform sa VMAs simula nang mabuo ito, 39 na taon na ang nakalipas.

Maliban pa rito ay may apat din na nominations si Lisa sa 2024 MTV Video Music Awards para sa kaniyang global hit na “Rockstar” gaya ng best K-pop, Best Choreography, Best Art Direction at Best Editing.

Kung matatandaan, dalawang taon na ang nakaraan ay si Lisa lang din ang kauna-unahang female solo artist na nanalo ng “Best K-pop” sa 2022 MTV Europe Music Awards para sa kaniyang solo single na “Lalisa”.

Sa MTV Video Music Awards ng kaparehong taon ay nanalo rin si Lisa ng “Best K-pop Video” para pa rin sa “Lalisa”.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble