NAKAKUHA pa ng karagdagang 3 Guinness World Records ang myembro ng world’s biggest girl group na Blackpink na si Lalisa Manobal bilang isang solo artist.
Kinumpirma mismo ng Guinness World Records na nakakuha si Lisa ng 3 pang record titles sa kanyang koleksyon kabilang na ang First Solo K-pop Winner sa MTV Music Video Awards at First Solo K-pop Winner sa MTV Europe Music Awards.
Bukod dito ay nanalo rin si Lisa ng title bilang Most Followed K-pop Artists sa Instagram na may 87.1 million followers sa ngayon.
Nanalo rin ang Blackpink ng award para sa Best Metaverse Performance para sa kanilang performance na ‘Ready for Love’ sa video game PUBG Mobile.
Ang kasalukuyang record na hawak ng Blackpink sa ngayon ay ang Most Subscribers for a Brand sa YouTube pati na ang pagiging unang K-pop group na makaabot ng no.1 sa UK albums chart at first K-pop group na makaabot sa no.1 sa US albums chart.