NAGPAABOT ng pakikiramay ang Department of National Defense (DND) sa pamilya ng 2 piloto ng SF-260TP aircraft na bumagsak sa Pilar, Bataan.
Ayon kay Defense spokesperson Arsenio Andolong, kasalukuyang iniimbestigahan ng Philippine Air Force (PAF) ang insidente sa pakikipagtulungan sa lokal na otoridad.
Bilang bahagi aniya ng standard operating procedures ng PAF ay grounded muna ang buong SF-260 Fleet.
Nabatid na nagsasagawa ng training flight ang eroplano ng 15th Strike Wing ng PAF mula Sangley Point, Cavite nang bumagsak ito sa Bataan.