SINUSPINDE na sa loob ng 90 araw ang mga lisensiya ng driver ng isang sport utility vehicle at isa sa tatlong motorcycle rider na sangkot sa isang road rage incident sa Antipolo kamakailan.
Ayon sa Land Transportation Office (LTO), naglabas na rin sila ng show cause order laban sa SUV driver at sa motorcycle rider bilang bahagi ng imbestigasyon sa insidente.
Nakadepende na sa resulta ng imbestigasyon ang gagawing hakbang ng LTO laban sa mga nasasangkot na driver.
Ang road rage incident na tinutukoy ay nangyari noong Linggo, Marso 30, kung saan ang SUV driver ay nakipagsuntukan bago nagpaputok ng baril.
Nagresulta ito sa pagkasugat ng apat na tao, kabilang ang kaniyang asawa.
Nag-ugat naman ang suntukan at pamamaril matapos ang alitan sa kalsada laban sa isa pang motorcycle driver sa harap ng isang coffee shop sa Marcos Highway.
Follow SMNI News on Rumble