SINUSPINDE ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensiya ng 671 drayber sa buong bansa sa loob ng 90 araw.
Ayon sa LTO, sangkot ang mga ito sa mga aksidente at paggamit ng ilegal na droga.
Sa naturang bilang, 547 ang nasuspinde dahil sa pagkakasangkot sa mga aksidente habang 97 ang nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga.
Ang 90 araw na suspensiyon ay maaari ding humantong sa tuluyang pagbawi ng lisensiya.
Samantala, halos 1,165 na sasakyan ang bumagsak sa roadworthiness inspections at nabigyan na ang mga ito ng show-cause orders.