HININGI ni Sen. Raffy Tulfo ang record ng mga buwis na binayaran ng mga lotto winner.
Ito’y para sa buwan ng Hulyo, Agosto, at Setyembre 2023.
Nais ng senador na makita kung tama ang binayarang buwis sa bilang ng mga nanalo sa lotto partikular na rito ang mga nanalo ng jackpot.
Sa pagdinig ng Senado hinggil sa integridad ng lotto games ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), humingi si Atty. Ralbert John Neil Tibayan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Legal and Legislative Division ng hanggang sa susunod na linggo para maisumite ang hinihingi ni Tulfo.
Sa ngayon, batay sa datos ng BIR ay umabot na sa mahigit 8-K ang nanalo ng mahigit sa P10-K pataas simula sa buwan ng Hulyo hanggang Setyembre noong 2023.