Lokal na animal shelter, sinisikap iligtas ang mga hayop sa gitna ng widlfire sa California

Lokal na animal shelter, sinisikap iligtas ang mga hayop sa gitna ng widlfire sa California

KASALUKUYAN pa ring inililikas ang mga hayop na naapektuhan ng Oak Fire sa Central California sa Estados Unidos kabilang na ang mga alagang hayop ng mga bahay na tinupok ng malubhang apoy.

Dose-dosenang mga alagang pusa at aso ang nasagip mula sa mga nasunog na tahanan at iba pang mga lugar habang hinahanapan pa rin ng mga local animal shelters ang mga hayop na kinakailangan pang isalba sa nagpapatuloy na wildfire sa Central California.

Ang wildfire na mas kilala bilang Oak Fire sa Mariposa County ay sumunog ng halos 30 square miles o (77.7 square kilometers) ng mga kakahuyan, na sa ngayon ay hindi pa umaabot sa kalahati ang pag-aapula at tinatayang sumunog na ng halos 150 bahay at istruktura.

“The wind and the heat has been the greatest challenge so far. We’re working against the wind with constant changing in the direction. You know, it’s just causing flare ups along with the heat and the lack of humidity, how dry it is. It’s just causing you to flare up and it’s hard to keep it down,” ayon kay Leslie Harris, Shelter Manager for Central California Animal Disaster.

Kasama rin sa nawalan ng tahanan ay ang mga wildlife animals pati na rin ang mga alagang hayop ng mga nasunugan ng tahanan.

Inihayag ng shelter na nailigtas nito ang dose-dosenang mga pusa at aso mula sa nasunog na mga tahanan at iba pang mga lugar at kasalukuyang nakakulong sa isa sa kanilang mga shelter.

Ito ay resulta ng libu-libong ektarya ng lupa na nasunog habang sinusubukang patayin ng Civil Defense Forces ang naglalagablab na apoy.

Sa kasalukuyan, 49 na aso at 50 pusa ang nananatili sa Mariposa Elementary na nasa pangangalaga ng Central California Animal Disaster Team (CCADT).

Sinabi ng shelter manager na marami sa mga hayop ang na-iistress dahil sa bagong kapaligiran gayunpaman ang mga boluntaryo ay sinusubukan ang kanilang makakaya na maglaan ng oras araw-araw upang pakalmahin sila at alagaan.

Follow SMNI NEWS in Twitter