HABANG ang Estados Unidos ay nakikipagbuno sa matinding init ngayong linggo, ang mga magsasaka naman ay nagpapaalala sa mga manggagawa na manatiling ligtas sa gitna ng kanilang mga trabaho sa ilalim ng matinding init ng panahon.
Kada taon, mahigit 600 katao ang namamatay dahil sa matinding init sa Estados Unidos.
Ngunit para sa mga magsasaka at manggagawa sa ubasan sa Delano, California, ito ay isang panganib na dapat nilang ipagpatuloy na labanan para sa pamilya at para magkaroon ng pagkain sa lamesa.
Ayon sa mga eksperto, ang nangungunang risk factor dito ay ang bigat ng kanilang trabaho.
Ang metabolic heat o ang init na nalilikha sa pamamagitan ng paggawa ng pisikal na trabaho ay bumubuo ng 40-50% ng init ng katawan.
Upang maiwasan itong tumaas nang labis, nirerekomenda na bawasan ng mga manggagawa ang dami ng trabaho na pamamagitan ng paglaan ng oras ng pahinga sa lilim o ganap na ihinto ang trabaho kung hindi na kaya ang tindi ng sikat ng araw.
Kamakailan lamang, inaprubahan ng California State Assembly ang Assembly Bill 2243 na kinabibilangan ng mga probisyon tulad ng karagdagang mandatoryong bayad na pahinga at pagbawi ng break sa bawat oras, mas madaling magpagkukunan ng malamig na tubig, lilim na nakalaan para sa mga manggagawa, at mas mataas na pagsubaybay ng employer sa mga empleyado para sa mga sintomas ng init at mga posibleng sakit na dala ng panahon.
Sa linggong ito, inaasahang tatama ang California ng hanggang 120 degrees at nagbabadya pa ng posibleng mga wildfire sa ilang bahagi ng estado.
Mahigit sa 85% ng bansa ang nakararanas ng mga kondisyon ng tagtuyot, na isang banta sa sunog.
Ngunit higit sa lahat, ang buhay ng mga taong kailangan pa ring magtrabaho sa kabila ng panahon na ito.