Lola Amour nanalo ng parangal sa 2025 Music Awards Japan

Lola Amour nanalo ng parangal sa 2025 Music Awards Japan

PINARANGALAN kamakailan ang Lola Amour ng isang espesyal na parangal sa 2025 Music Awards Japan (MAJ).

Ang nabanggit na Pinoy alternative band ay ginawaran ng Special Award for Philippine Popular Music para sa kanilang sumikat na awitin na “Raining in Manila”.

Bagama’t hindi nakadalo ang banda sa seremonya ng Music Awards Japan, tumungo si Mika Ordoñez, ang matagal nang manager ng banda, sa Kyoto upang tanggapin ang parangal sa kanilang ngalan.

Samantala, kabilang din sa mga pinarangalan sa kategoryang Special Award for Popular Music ang SEVENTEEN ng South Korea; sina Jeff Satur ng Thailand; Zhou Shen ng China; Salma Salsabil ng Indonesia; at Tùng Dương ng Vietnam.

Ang mga ito ay kinilala para sa kanilang natatanging kontribusyon sa musika sa kani-kanilang bansa.

Ang MAJ ay ginanap sa Rohm Theatre sa Kyoto, Japan noong Mayo 21 at 22, 2025.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble