Lou Grant at UP actor Ed Asner, pumanaw na sa edad na 91

Lou Grant at UP actor Ed Asner, pumanaw na sa edad na 91

PAYAPANG namayapa ang isang batikan at tanyag na international actor na si Ed Asner sa edad na 91.

 

“Words cannot express the sadness we feel. With a kiss on your head – goodnight Dad. We love you.” pahayag ng anak ni Asner.

 

Unang nag tanghal si Asner sa broadway kasama si Jack Lemmon sa kanilang “Face of A Hero” taong 1955 at 1961 ng lumipat sa Hollywood na pasimula na rin ng kanyang karera sa telebisyon.

 

Bida rin si Ed Asner sa Lou Grant na isang American drama series at gumanap na voice over ng isang animated movie na “UP”.

 

Marami naman ang nag post sa social media bilang paghatid ng kanilang pakikiramay sa batikang aktor at pinasalamatan sa pagiging tapat umano nito bilang isang kaibigan.

 

 

SMNI NEWS