MAAARING itulak ng dalawang Low Pressure Area (LPA) na nasa labas ng Philippine Area of Responsibility sa iilang lugar ang ashfall na nilikha ng Taal Volcano.
Sa isang pulong balitaan sinabi ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na ang LPA ay magdudulot ng pag-ulan at paglakas ng hangin kung saan posibleng itulak nito sa ibat ibang bahagi ng bansa ang asupre na ibinubuga ng Taal.
Subalit tiniyak ni Jalad na hindi magiging tropical storms ang naturang lpa.
una ng inilagay sa alert level 3 ang Bulkang Taal matapos nagbuga ng phreatomagmatic plume.