ITINANGGI mismo ni Philippine National Police (PNP) Deputy Chief for Administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia, ang paratang sa kaniya ni dating PNP chief Rodolfo Azurin, Jr. na siya ang nagpapakalat ng balita sa diumano’y pagpapa-deport sa kaniya ng Canadian Immigration.
“Sa totoo lang ay I have no idea at all. Hindi ko alam. Wala akong idea kasi busy nga kami,” saad ni Sermonia.
Nilinaw ni Sermonia na wala siyang anumang galit na nararamdaman sa kaniyang mistah.
“Ang sabi ko nga we are family, mag mistah at nalulungkot siyempre pero siyempre hindi natin alam kung ano ‘yung reason kasi siya lang ‘yung nakakaalam,” paglilinaw ni Sermonia.
Sa katunayan, balak pa niya itong kausapin nang personal kaugnay sa nasabing bagay.
“Actually ang isa sa plano ko ay mag usap-usap ang buong pamilya and ‘yung misis ko, misis niya, mga kapatid ng mga misis namin to sit down and to once and for all clarify ‘yung mga issues na ito,” dagdag ni Sermonia.
Sa huli, iginiit ng heneral na sa kabila ng mga isyu, okay pa rin aniya sila ng dating Chief PNP.
“Actually ‘nung nag APC ako ay full support ang ibinigay ko. Sobrang busy ko sa Visayas noon. Inikot ko ang buong Visayas in 2 weeks-time. Naikot ko lahat ng mga regions, lahat ng mga probinsya to support him especially ‘yung campaign naming against illegal drugs, ‘yung aming ELCAC programs at mga programa ng ating dating Chief PNP. Nung naibalik ako dito as the Deputy Chief PNP ay lahat ng programa niya ay sinuportahan natin and sabi ko nga lagi kung may guidance siya, kung may iutos siya ay nandito lang ako pero siyempre hindi natin control ‘yung nasa saloobin niya pero nagtrabaho ako, kung ano ‘yung ginagawa ko for the past 30 years in my career ay ganun rin po rin ang ginagawa ko,’’ dagdag pa ni Sermonia.
‘‘Okay kayo personally?’’
‘‘Opo nag-uusap naman kami bago siya mag-retire, mga several days bago siya mag-retire ang sinabi pa niya sa akin ay sa tingin ko wala na most qualified or susunod kasi ikaw na dapat sabi niya, pero siyempre ako nagpapasalamat ako kasi good words siya na very, wala eh, wala akong makita so ‘yun lang,” paglilinaw pa ni Sermonia.