LTFRB: Dapat walang diskriminasyon sa mga pasahero

LTFRB: Dapat walang diskriminasyon sa mga pasahero

IGINIIT ng tagapagsalita ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) na si Atty. Ariel Inton na dapat walang diskriminasyon sa sinumang pasaherong sasakay sa mga pampublikong sasakyan.

Partikular na binigyang-diin nito ang plus size na mga pasahero na umano’y tinaasan ang singil dahil sa bigat ng timbang.

Ani Inton, maaaring makansela ang prangkisa ng operator kung mapapatunayan na may nangyaring diskriminasyon sa mga pasahero.

Maaari ding patawan ng suspensiyon ang lisensiya ng driver.

Sa ngayon ay nasa P13 ang pamasahe ng traditional jeep habang P15 naman sa modern jeep.

Matatandaan na nagkaroon ng diskriminasyon noong 2024 sa Parañaque City kung saan sangkot ang driver ng jeep at asawa nitong konduktora matapos na i-body shame ang isang 29 na babaeng pasahero.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble