LTFRB, nagbabala sa mga kompanya ng PUVs hinggil sa overloading, overcharging ng pasahe at kolorum

LTFRB, nagbabala sa mga kompanya ng PUVs hinggil sa overloading, overcharging ng pasahe at kolorum

NAGBABALA ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kompanya ng mga pampublikong sasakyan tungkol sa katapat na mabigat ng parusa sa mga lalabag dito lalo na ngayong Semana Santa.

Paalala ni LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, bawal sa mga pampublikong transportasyon ang overloading dahil mapanganib ito sa buhay ng mga tsuper, konduktor, at lalong-lalo na ng mga pasahero.

Pagdidiin ni Guadiz, huwag maningil ng sobrang pasahe sa mga pasahero bagkus sundin ang fare matrix ng LTFRB para hindi mapatawan ng parusa o multa.

Mahigpit din aniyang ipinagbabawal ng batas ang mga kolorum na pumapasada sa labas ng kanilang aprubadong ruta at mga sasakyan na hindi awtorisadong magbiyahe bilang pub o mga PUV na suspendido, kanselado, o wala nang bisa ang Certificate of Public Convenience (CPC).

Mahaharap sa multang P5,000 sa unang paglabag, P10,000 naman kasama ang impoundment ng unit ng 30 araw ay ipinapataw sa second offense, at P15,000 naman at kanselasyon ng CPC sa pangatlong paglabag ang mga lalabag sa overloading.

May multang P5,000 sa first offense, P10,000 multa at pagka-impound ng unit ng 30 araw sa second offense, at P15,000 at kanselasyon ng CPC sa third offense ang mga mapatutunayang lalabag sa overcharging o undercharging ng pamasahe.

Mananagot din ang mga mapatutunayang kolorum na bus, truck, jeepney, van, sedan o motorsiklo ng multang P1,000,000, P50,000, P200,000, P120,000 at P6,000 na multa at pagka-impound ng sasakyan sa loob ng tatlong buwan sa first offense, babawiin ang CPC, rehistro, at pag-blacklist sa mga nahuling sasakyan sa first offense, habang babawiin naman sa second offense ang lahat ng CPC ng mga operator, stockholder, at director, hindi na bibigyan ng anumang uri ng pampublikong sasakyan para sa operasyon, blacklisted at babawiin ang rehistro ng lahat ng awtorisadong unit ng naturang operator.

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter