Panukalang ‘No Permit, No Exam’, ikinabahala ng mga samahan ng private schools

Panukalang ‘No Permit, No Exam’, ikinabahala ng mga samahan ng private schools

NANAWAGAN ang mga samahan ng private schools sa bansa na ipatigil ang Senate Bill 1359 at House Bill 7584 o ang panukalang ‘no permit, no exam’.

Ayon kay Coordinating Council of Private Education Associations (COCOPEA) na nauunawaan nila ang layunin ng nasabing panukala na matulungan ang mga estudyante at pamilya ng mga ito ngunit libu-libong mga guro at empleyado ang nakasalalay sa mga tuition fees na sinisingil ng mga pribadong paaralan.

Dadag pa ng COCOPEA, sakaling maipasa ang mga ito ay mapipilitang magsara na lamang ang maraming naghihingalong private schools dahil sa pagkalugi.

Ayon kay COCOPEA Spokesperson and Legal Counsel Atty. Kristine Carmina R. Manaog, at COCOPEA chairperson Bernard Villamor, kailangan ng mga private schools ng steady cash flow para sa kanilang operations at kapag hinayaan ang mga estudyanteng mag-exam kahit hindi pa sila nakakabayad ng mga utang ay magbibigay ito ng maling mensahe tungkol sa ‘financial responsibility’.

Nangangamba ang grupo na dahil sa mga panukalang pagbawalan ang ‘no permit, no exam’, maaaring tuluyan nang hindi magbayad ang mga estudyante at magulang ng mga ito ng kanilang mga tuition fees.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter