NAKAHANDA na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mangyayaring hulihan ng unconsolidated jeepneys simula bukas ng Huwebes, Mayo 16.
Ito ay kasunod ng pagtatapos ng 15-araw na grace period na ibinigay ng ahensya sa mga tsuper na nabigyan ng show cause order ngunit hindi pa rin sumali sa kooperatiba.
Sabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, random ang gagawing anti-colorum operation sa ibat ibang ruta sa Metro Manila.