LTO employees sasailalim sa isang mandatory training

LTO employees sasailalim sa isang mandatory training

SASAILALIM sa mandatory training ang mga empleyado ng Land Transportation Office (LTO).

Ito’y para matiyak na hindi na maulit ang nangyaring marahas na pag-aresto ng ilang enforcer sa isang lalaking motorista sa Bohol.

Magugunita na sa isang viral video sa social media kamakailan, nakita ang pangha-harass ng ilang enforcer sa motorista kung saan pinadapa at kinaladkad ito pababa.

Maririnig din sa video ang pagpapaliwanag ng lalaki na siya ay isang magsasaka kaya siya ay may dalang bolo o itak.

Nakilala ang motorista bilang kapatid ng dating vice mayor ng Panglao, Bohol.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble