HUMIHIRIT ng mahigit 6 na bilyong pisong pondo ang Land Transportation Office (LTO) para sa paggawa ng mas malaking plaka para sa mga motorsiklo.
Ito ay parte ng pagsunod nila sa Doble Plaka Law para sa crime prevention.
Ang motorsiko kasi ang madalas na ginagamit ng mga riding and tandem.
Sa huling ulat ng LTO, nasa 11 milyon ang backlog nila sa motorcycle plate.
Bilang pagsunod sa batas mas malaki at color coded na mga plaka ang dapat magawa ng LTO.
Ito ay para sakaling magkaroon ng krimen na ginamit ang motorsiklo ay hindi mahihirapan ang mga awtoridad na mabasa ang plate number nito at madaling matunton ang suspek.