Luzon grid, ilalagay sa Yellow Alert ngayong Lunes

Luzon grid, ilalagay sa Yellow Alert ngayong Lunes

ILALAGAY ang Luzon grid sa Yellow Alert status ngayong hapon, Mayo 13 dahil nananatiling naka-forced outage ang 20 power plants dito.

Ang Yellow Alert ay inilalabas kung ang operating margin ng contingency requirement ng transmission grid ay hindi na sapat.

Sa anunsiyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), magsisimula ito alas dos hanggang alas kwatro ng hapon.

Sinabi na ng Department of Energy (DOE) na maraming Yellow at Red Alerts sa susunod na mga linggo dahil sa nararanasang El Niño.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble