Mabagal na roll out ng murang bigas, pinuna ng Federation of Free Farmers

Mabagal na roll out ng murang bigas, pinuna ng Federation of Free Farmers

SUPORTADO ng Federation of Free Farmers ang mga hakbang ng Department of Agriculture (DA) na gawing mas abot-kaya ang presyo ng bigas sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA).

Gayunpaman, inihayag ng grupo ang kanilang pagkabahala sa mabagal na distribusyon ng murang bigas sa mga pinakamahihirap na mamamayan.

Ayon kay Leonardo Montemayor, dating kalihim ng DA at kasalukuyang chairman ng Federation of Free Farmers (FFF), matagal na dapat ipinatupad ang emergency roll out ng mga bigas mula sa NFA para agad na mapakinabangan.

Having said that, at the same time sana naman bantayan nilang mabuti, ‘yung dali o ‘yung sitwasyon sa pagbili ng palay, isiguro sana ng pamahalaan natin na hindi masyadong bababa ang presyo ng palay. So importante rito ang NFA maging mas aggressive sa pamimili ng palay sa nakatakdang support price at lahat ang ibang support na ibibigay nila kagaya po ng Bilaran, naging available sa lalong madaling panahon, pahayag ni Leonardo Montemayor, Chairperson, FFF at Former DA Secretary.

Sa usapin ng limitasyon sa pagbili ng murang bigas, iminungkahi ni Montemayor na dapat itong ipatupad para mas maraming mamamayan ang makinabang. Tulad ng mga naunang programa, maaaring limitahan sa 10 kilo ng bigas ang bawat mamimili para maiwasan ang hoarding at mabilis na pagkaubos ng supply.

Ayon kay Montemayor, bagamat itinakda sa P58 at kalaunan ay ibinaba sa P55 ang presyo ng imported rice, may mga ulat na sa ilang lugar tulad ng Bacolod, umaabot pa rin sa P60 kada kilo ang bentahan.

“Actually, parang stop gap measure lang iyan kasi medyo nababahala na ang administrasyon pati na rin ang ating mga kababayan na since July of 2024 dapat bumaba na po ng P7, ang presyo ng bigas sa palengke. Dahil kung maaalala natin last year, binawasan po ‘yung taripa sa imported rice at sinasabi ng economic managers natin at that time, bababa rin ang presyo ng bigas by up to P7 per kilo. Hindi nangyari ‘yun hanggang ngayon,” paliwanag niya.

Ani Montemayor sa pandaigdigang pamilihan, patuloy na bumababa ang presyo ng bigas. Mula sa halos $700 kada tonelada, bumagsak na ito sa higit $400, kaya inaasahan niya na dapat bumaba rin ang presyo ng imported rice sa Pilipinas.

Binigyang-diin din ng dating agriculture secretary ang tila kawalan ng agarang rebisyon sa Executive Order No. 62 na nagtakda ng pagbaba ng taripa sa imported rice.

“At that time kasi pumasa po ang EO 62 malakas ang aming pagtutol doon, actually hanggang ngayon. So siguro ginawa nilang parang ng kontent, mampalubag loob. Don’t worry kasi every 4 months ririripaso natin ‘yan. It’s now almost 7 months o almost 8 months na, wala pa rin ‘yan. So sana sa lalong madaling panahon ay mangyari ang pag-riripaso na ‘yan,” ani Montemayor.

Sa huli, nanawagan si Montemayor sa gobyerno na dapat tiyakin nito ang balanseng presyo ng bigas at palay para hindi malugi ang mga magsasaka habang pinoprotektahan ang mga mamimili laban sa mataas na presyo ng pagkain.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble