Mabilis na pagbibigay ng impormasyon sa panahon ng kalamidad, tiniyak ng Defense chief

Mabilis na pagbibigay ng impormasyon sa panahon ng kalamidad, tiniyak ng Defense chief

TINIYAK ni Department of Defense (DND) Secretary at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chairperson Gilbert Teodoro na kaniyang palalakasin ang koordinasyon ng Office of Civil Defense (OCD).

Ito’y upang mapabilis ang pangangalap at pagbibigay ng kinakailangang impormasyon sa panahon ng kalamidad.

Sa post State of the Nation Address (SONA), sinabi ni Teodoro na ang DND sa pamamagitan ng OCD ay pangungunahan ang pakikipag-ugnayan sa mga ahensiya ng gobyerno upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga apektadong residente.

Ayon kay Teodoro, nakipagtutulungan din ang OCD kasama ang mga ahensiya ng gobyerno sa national at international humanitarian agencies upang maisulong ang “best practices” sa disaster risk reduction.

Tumutulong din aniya, ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa paghahatid ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo sa publiko lalo na sa isolated communities.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble