Madonna, nakatakdang magsagawa ng major global tour

Madonna, nakatakdang magsagawa ng major global tour

INANUNSYO ng queen of pop na si Madonna, na nakatakda itong magkaroon ng massive global tour na magsisilbing homage sa kanyang higit 4 na dekada sa music industry.

Ang 35-city string of dates ay magsisimula sa July 15 sa Vancouver kasama ang US cities kagaya ng Detroit, Chicago, Miami at New York kung saan nagsimula ang pag-akyat nito sa superstardom.

Magpapatuloy ang “The Celebration Tour” sa Europe sa London, Barcelona at Paris at isang final show sa Amsterdam sa December 1.

Ayon kay Madonna, nasasabik siyang kantahin ang napakaraming kanta at maibigay sa kaniyang fans ang show na inaabangan ng mga ito.

Si Madonna ay isang seven-time Grammy-winner na may 14 studio albums pati na live, soundtrack at compilation recording sa kanyang pangalan at nakapagbigay na rin ito ng higit na impluwensya sa kanyang mahigit 40 taon bilang isa sa music’s greatest stars.

Follow SMNI NEWS in Twitter