NASA 104 na dating communist terrorist groups (CTGs) sa Misamis Oriental ang nabigyan ng tulong ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pamamagitan ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) sa unang quarter ng 2023 noong Abril 25.
Sa kabuoan, nasa P7.2-M ang naipamahagi sa mga dating rebelde kung saan nasa 840,000 dito ay immediate assistance, mahigit P2.6-M para sa livelihood assistance, mahigit P2.7-M para sa firearms remuneration at halos P800-K para sa reiintegration assistance.
Ang ECLIP program ay flagship program ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na layong tulungan ang sumurender na mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) at mga miyembro ng militia ng bayan na maibalik ang kanilang katapatan sa pamahalaan.