Mahigit 19k na taga-Malawi at Mozambique, apektado sa ‘Cyclone Freddy’; Mahigit 200 nasawi

Mahigit 19k na taga-Malawi at Mozambique, apektado sa ‘Cyclone Freddy’; Mahigit 200 nasawi

LIBU-libong mga taga-Malawi at Mozambique na ang naitalang apektado dahil sa ‘Cyclone Freddy’ na tumama sa mga bansa simula pa nitong Sabado, March 11, 2023.

Sa tala, 19,000 na at nadagdagan pa ang bilang ng mga naapektuhan.

Habang 200 dito at hihigit pa ang naitalang namatay.

Kasalukuyang nananatili ang mga biktima sa mga shelters at local schools.

Ang malala pa, nakararanas na ng malawakang ‘cholera outbreak’ ang Malawi bago pa tumama ang Cyclone Freddy.

Umaasa ang Malawi at Mozambique na mabibigyan sila ng tulong lalong-lalo mula sa ibang bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter