MAHIGIT 2,813 kubol ang na-demolish simula noong huling bahagi ng Agosto sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.
Ito ang inihayag ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang.
Ani Catapang, ang pagtatanggal ng kubol sa loob ng 13 gusali sa loob ng NBP ay mapoprotektahan din ang mga bilanggo laban sa mga pang-aabuso.
Aniya, ang mga ilegal na istruktura ay tinanggal upang mapabuti ang pagsubaybay sa mga bilanggo.
Samantala, plano ng NBP na maglagay ng CCTV sa paligid ng Maximum Security Compound at maging sa loob ng mga indibidwal na selda.