SA kabila ng pahayag ni persons deprived of liberty (PDL) Michael Catarroja na tumakas siya sa Bilibid sakay sa isang truck ay inamin naman ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Gregorio Catapang na naging sentro na ng mga ilegal na aktibidad ang BuCor.
Kabilang dito ang paggamit sa mga preso sa mga krimen sa labas ng kulungan, tulad ng insidente ng pagpaslang sa mamamahayag na si Percy Lapid at maging sa operasyon ng ilegal na droga dahil sa laganap na paggamit ng cellphones.
Paliwanag ng pinuno ng BuCor na nagagamit sa krimen ang ibang mga preso sa katwirang kahit mahuli sila ay babalik lamang sila sa kulungan at hindi rin basta mahuhuli dahil kontrolado ng BuCor ang mga bisita sa loob ng bilangguan.
Sa pagding sa Senado ay ibinunyag din ni Catapang ang modus na paggamit ng condom ng mga babaeng bisita sa loob ng NBP.
Ani Catapang pinapasok sa loob ng condom ang mga droga pagkatapos ay ipinapasok naman sa pribadong bahagi ng katawan nito.
Bukod sa condom ay modus din ang pagpasok ng itlog ng kalapati sa loob ng NBP, kung saan sa sandaling mapisa ay tuturuan na ito sa pag-deliver ng droga.