Mahigit 2k nasawi sa 6.8 magnitude na lindol sa Morocco

Mahigit 2k nasawi sa 6.8 magnitude na lindol sa Morocco

PATULOY pa rin ang paghahanap ng mga survivor sa nangyaring pagtama ng 6.8 magnitude na lindol sa Morocco noong Biyernes.

Ito ang itinuring na pinaka-deadliest na lindol na tumama sa bansa mahigit anim na dekada na ang nakalipas.

Sa pinakahuling tala ng Interior Ministry, nasa mahigit 2,000 katao na ang nasawi partikular na sa bulubunduking bahagi ng Marrakech.

Mahigit 2,000 katao naman ang sugatan kung saan mahigit sa 1,400 dito ang nasa kritikal na kondisyon.

Ang Marrakech ay isa sa apat na imperial cities ng Morocco na matatagpuan sa paanan ng Atlas Mountains.

Ito ay sikat sa mga turista dahil sa mga sinaunang mosque, mga palasyo at seminaryo na matatagpuan dito.

Follow SMNI NEWS on Twitter