Mahigit 30 loose firearms isinuko ng mga residente sa Maguindanao del Sur

Mahigit 30 loose firearms isinuko ng mga residente sa Maguindanao del Sur

PINANGUNAHAN ng 33rd Infantry Battalion, Philippine Army ang pamamahala at pagproseso sa halos 40 loose firearms na isinuko ng mga residente sa Maguindanao del Sur.

Ayon kay Lt. Gen. William Gonzales, commander ng Western Mindanao Command, mahalaga ang nasabing katagumpayan sa pagkamit ng kapayapaan.

At tanda aniya ito ng matibay na determinasyon ng Joint Task Force Central na suportahan ang programang tinawag na “Balik-Baril” na layuning linisin ang mga komunidad mula sa karahasan.

Ang pagsuko ng mga residente sa kanilang mga armas ay resulta ng pakikipagtulungan sa pagitan ng militar at lokal na pamahalaan ng Shariff Aguak, Shariff Saydona Mustapha, Datu Abdullah Sangki, Mamasapano, Radjah Buayan, at Sultan sa Barongis sa Maguindanao del Sur.

Sa huli, nangako ang Western Mindanao Command na patuloy silang magsusumikap na mapanatili ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga military operations at civil-military operations sa kanluran, timog, at gitnang bahagi ng Mindanao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble