ISINIWALAT ng Philippine Statistics Authority (PSA) na aabot sa 308 pekeng birth certificates ang ginamit para sa passport application ngayong taong 2023.
Sangkot dito ang mga dayuhan at Pilipino.
Madalas na nangyayari, bagamat mga dayuhan ay gumagamit ng pangalang Pilipino na maaaring maikonsiderang “identity theft”.
Dahil dito, ayon kay Sen. Sonny Angara, dapat paigtingin ng PSA ang kanilang anti-fraud mechanism.
Mainam na magkaroon ng koordinasyon ang PSA sa iba’t ibang ahensiya para matiyak na hindi pekeng dokumento ang nagagamit para sa passport applications.
Ipinangako na ng National Bureau of Investigation (NBI) at APO Production Unit na iimbestigahan nila ang ulat lalo na’t sila ang nakatalaga sa passport printing.
Maging ang Office of the Ombudsman (OB) ay magsasagawa rin ng imbestigasyon.
Ang Office of the Solicitor General (OSG), National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at National Security Council (NSC) ay hinikayat din ng Senado na imbestigahan ang ulat partikular na ang Philippine passports, official government IDs, at documents na inisyu sa mga dayuhan.