Mahigit 3,000 katao sa Camarines Sur, nakapagparehistro na para sa National ID

Mahigit 3,000 katao sa Camarines Sur, nakapagparehistro na para sa National ID

BILANG ng mga indibidwal na matagumpay nang nakapagparehistro para sa step 2 ng Philippine Identification System o PhilSys sa buong Camarines Sur umabot na sa mahigit 305,681 na indibidwal.

Sa kabila ng nararanasang pandemya, nagpapatuloy ang isinasagawang pagpaparehistro ng National ID sa Philippine Identification System o PhilSys dito sa Camarines Sur.

Umabot na sa 305,681 na indibidwal ang matagumpay na nakapagparehistro para sa step 2 ng Philippine Identification System o PhilSys sa loob ng 72 na araw matapos ang isinagawang roll out mula February 9, 2021. At mula ika-tatlo ng buwan ng Mayo ay 2 siyudad na ng probinsiya ang nagbukas upang maging registration centers para sa step 2 na may mahigit 362 na personnels na nagtatrabaho na may 169 registration kits.

Ang PhilSys step 2 o ang tinatawag na registration proper ay ang pagsasagawa ng validation ng mga supporting documents at pag capture ng biometric data ng magpaparehistro kung saan sakop nito ang iris scan, finger print scan at front- facing photographs. Karagdagan ito ng basic demographic na mula sa step 1 kung saan ang mga low -income household members ay dumaan ng interview para sa demographic data na umabot sa 402,387 individuals ang naitala nang nakaraang taong 2020.

Napag alamang mula January 18, 2021 ang PSA Camarines Sur ay nakapagtala ng 312,138 na indibidwal na nakapagparehistro sa step 1.

Ang ahensiya ay lumagpas sa central office’s target na 238,141 registrants na tatlumpu’t isang 31 porsyento. Sa kabuuan ang total ng step 1 registrants ay umabot na sa 714,525 individuals na magiging prayoridad para sa step 2 registration.

Inaamin ng ahensiya na hindi naging madali para sa kanila ang pagsasagawa ng province-wide implementation dahil sa pandemya. Subalit sa pagsasagawa ng mga pamamaraang ito katulad na lamang ng pagpapalawig ng operating hours at fixed registration center ay nagawa nilang maabot ang target na bilang ng mga nagpaparehistro.

(BASAHIN: Provincial ID sa Camarines Sur, malapit nang ilunsad)

SMNI NEWS