Mahigit 45K reklamo dahil sa text scams, natanggap ng NTC matapos ang SIM registration

Mahigit 45K reklamo dahil sa text scams, natanggap ng NTC matapos ang SIM registration

UMABOT na sa mahigit 45 libong reklamo kaugnay sa text scam ang natanggap ng National Telecommunications Commission (NTC).

Ito’y sa kabila ng implementasyon ng SIM registration.

Inihayag naman ni NTC Commissioner Ella Blanca sa isinagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Services, bumaba ang reklamo hinggil sa texts cam sa unang bahagi ng SIM registration pero tumaas ito matapos ang ilang buwan.

Matatandaan na noong Hunyo 25 ang huling araw ng pagpaparehistro ng SIM card.

Sa ilalim ng SIM Registration Act, layon nitong matuldukan ang mga krimen na gumagamit ng platform kabilang na ang text at online scams sa pamamagitan ng pagpaparehistro ng SIM.

At nitong Setyembre 3 ay nasa kabuuang halos 119 milyong SIM cards na ang nakarehistro.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble