Mahigit 50 distressed OFWs mula Kuwait, pauwi na sa Pilipinas

Mahigit 50 distressed OFWs mula Kuwait, pauwi na sa Pilipinas

PAUWI na sa bansa ang mahigit 50 distressed overseas Filipino workers (OFWs) mula sa Kuwait.

Ito’y alinsunod sa ‘repatriation program’ ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Migrant Workers Office at Embassy of the Republic of the Philippines in the State of Kuwait.

Una nang inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) at OWWA, na ang nasabing mga OFWs ay nagmula sa migrant workers and other overseas resource center (Bahay Kalinga Center).

Magugunitang inihayag din nila OWWA Administrator Arnell Ignacio at DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac, na ang nasabing grupo ay kabilang sa 400 na mga distressed OFWs na target mapauwi sa ilalim ng ‘repatriation program’ ng pamahalaan.

Sa ngayon, nakahanda na ang mga repatriation team na alalayan ang mga OFWs sa mga dokumentong kinakailangan ng mga ito.

Samantala, tiniyak naman ng OWWA na handa ang ahensiya na magbigay ng karagdagang tulong-pinansiyal sa mga nasabing OFWs.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter