Mahigit 500 PDLs, napalaya nitong Hunyo 2024

Mahigit 500 PDLs, napalaya nitong Hunyo 2024

MAYROONG higit limang daan (562) na persons deprived of liberty (PDLs) ang pinalaya ng Bureau of Corrections (BuCor) mula sa kanilang prison facilities nitong Hunyo.

Sa naturang bilang, nasa tatlong daan (321) ang nakapagsilbi na ng kanilang maximum sentence; isang daan (121) ang pinawalang-sala; halos isang daan (98) rin ang nabigyan ng parol; dalawampu (21) ang binigyan ng probation; at isa ang binigyan ng conditional pardon.

Sa kabuoan, mahigit 14.6-K (14,637) na ang napalaya na PDLs mula ng manungkulan si Pangulong Bongbong Marcos Jr. noong June 2022.

Kaugnay nito ay ipinangako ng BuCor na magpapatayo pa sila ng maraming prison facilities para ma-decongest ang mga pasilidad na sobra-sobra ang PDLs.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter