Mahigit 70 Pinoy mula Lebanon nakauwi na sa bansa

Mahigit 70 Pinoy mula Lebanon nakauwi na sa bansa

NAKARATING na sa bansa ang nasa 74 Pinoy workers mula Lebanon batay sa ulat ng Department of Migrant Workers (DMW).

Nitong Martes, Pebrero 11, 2025, nang makauwi ang mga ito lulan sa isang Qatar Airways flight.

Bahagi na rin sila sa inaasahang uuwi na 131 na mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Beirut ngayong linggo.

Sa kabuuan, mahigit 1.5K na ang nakauwi mula sa naturang Middle Eastern country simula nang i-alok ng gobyerno ang repatriation upang maligtas ang mga Pilipino mula sa kaguluhan doon sa pagitan ng Israel at Hamas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble